..the last day..
The last day of school... this is the day where we used to shout at the top of our voices, screaming "See you next year!" or get excited cuz you're about to spend the next 2 months with whatever you want and when June comes, you'd be very excited seeing your friends / barkadas / etc. But i've suddenly realized that the usual routine I encounter every year won't happen again.Room 206
And as the new day arrives. The rowdy group of students attend the morning assembly. With ecstatic voices and radiant attitudes. Different perspectives and different beliefs (why do you think we get along that much?) yet all these descriptions flow into one main thing - the constant chanting of the name of our beloved (don’t forget passionate - remember the iyakan sessions) adviser.
"We, we love, we love ms., we love ms. Cua - mag Cua, Cua, Cua, Cua tayo! Wahoo!"
It's like an exotic dish best served in cold dull mornings of the week - we bring life… that's our class for you. We mess up everything because of the pandemonium that we bring (If you can’t lower heaven, raise hell instead). We cause too much headaches that nobody could really tolerate us (araw-araw nalang sermon!) We forgot to bring duct tape for each others' chattering mouths.
My dear readers, I present to you, the class of 2005.
(Standing from the platform) And on the right side of the room - makikita mo ang chics. Sina BIM - na lagging tulala at lagging iniisip ang kanyang mahal sa buhay. Si RAISA - na palaging tulog, kungdi tumatawa ng nakakatawa. Si SIENA - na best cheerdancer pero puro bloopers rin - and I mean puro!. Nanjan si CHARMAINE na kamuka na ni Belle from "Beauty and the Beast" - na lagi rin nag gugupit ng split ends at walang humpay na kumakanta ng OPM rock. Don’t forget about SHAR na napaka hinhin sa isang sulok. Pero pag nag sama-sama ang powers nila, tumpak! Patay tayo jan! ang lalakas pa kumain. Hehe.
Mga disappearing acts tulad nila MOMSY (N. CABLAYAN) nila YSA - na sabi madalas na daw siya pumapasok at mapag aral daw, na siya ring nagsabi na bawal meat sa Wednesday and Friday [napapaisip ako…] si TWEETIE na mamimiss mo pag wala - laging nagsisimula ng mga uso (naks! trend setter!). At ang kapansin-pansin na lugar nila ANN BORJA na kahit subukan mong mahalin ay mapapaayaw ka talaga (ano? Open forum? Haha!). Hatak na nito si ANDREA na napaingay narin ng "Tomasian" namin.
Pero di nga, pano sila QUEEN (isa pang disappearing act) CHRISSY, ORBE, OLGA AT KRIM? Sinusubukang makinig sa guro pero nawawala dahil kay Ann. Hihirit pa tong si DANNA na class beadle at nasa top - "Lasalista" yan!
Wag nating kalimutan si PAT - na lagging hinahanap ni Ms. Jelly, aba! Sikat!. Si VIVIEN na kakonchaba nila Queen at Momsy sa pag absent. Sila PIA, CESSA, AT KITTY na walang humpay na nag lalagay ng make-up at mistulang nag papaganda.
Halt! Kalahati pa lang yan! Eto, isa pa…
Sa banding kaliwa… ang 5 b’s. Si ALLI na tunay na Lougee (singer ng Mojofly – dun sa mga hindi nakaka alam) addict at napaka bayolente nyan, lagot! Yung may mga utang jan! mangongolekta na siya! Bread winner sa klase na si INNUH na nasa honor roll (Ahem!). Pansinin si NADINE dahil discipline chairperson naming yan at laging "i-repeat" (ISAW PARTY!!!). Pag nanahimik si ANET - ibig sabihin katxt si… at pag humirit si PATTY, siguradong "Boo" nanaman yan - blinded by love, wounded for eternity, decto 17 - fallen beauty. (hanep!) Counter part sila ng mga… sila ang mga "Uglyz" – o iwas away ha?
Kilala niyo ba yung hanep na cheerdancer, dance instructor at muse ng batch na si RIA Na sabi ni CAR - na mukang lalaki daw, scriptwriter at "Yogi Bear" impersonator naman siya! Si baby Cua na si GZEL (Little Big!) at ang katabing si JOY - na sabi ng iba yumabang daw dahil sa pangil niya. [BEST DRUMMER NAMAN!] Pag nawala si JUZ sa upuan - tumpak, nasa 3rd floor yan o nag liliwaliw sa ibang upuan sa klase. Iniiwan ang kanyang kabarkada na si KYLA na naghihingalo dahil tinatancha ang oras sa ibang bansa – nasan na si Stellar? (paboritong linya yan ay… "Parang walang playprod bukas ah!?") Nasabi mo na bang may P.R.U. na kasing gaslaw ni VALENE? (maliit na ba sulat niya at hindi na nakakapa ng bulag?) Ang tres-marias na sina CATES, MARY ROSE AT FAYE na lag=ging pinapansin ni sir pag physics - ang ingay kasi at tawa ng tawa.
Walang makakalimot sa kakulitan ni MAR - isa rin laging wala pag Wednesday dahil… (Dante namin yan!) ang kanyang comrade na si CARBALLO na script writer rin at ubod ng takaw nung retreat. Pano na ang best friend niyang si CARLA - na make up artist at laging napapa-clinic dahil sa asthma?
"You there, at the back" - ang paboritong linya ni Sr. Sy-Beng at Ms. Dolor. Nag sisimula kay JEWEL na human type writer daw sabi ni Ms. Santos (Yael addict) Ang hanep na sounds director na si KRISCHELLE. Pag ang upuan ni MAKIS ay bakante, ibig sabihin nasa bowling. Wag mag alala, nanjan naman si SHARIE na sikat na sikat kay Ms. Cua. Tanong - nasa langit ka na ba kapag narinig ang boses ni KRISHA? Wag lilimutin si CHO na hinu-hunting ni Ms. Dolor lagi - absent naman pag may ulan! Si RIVAS na lagging napag tritripan na prayer leader - the best! Nanalo sa essay writing - hanep!
As the day ends, and as you can breathe the sweet smell of hell - the lamented yet happy souls (malabo yun!) of IV - Mere Mare Anne de Tilly are remembered because of their various spices - unique, incredible… vibrant.
It is our time to go. Leaving this small portion of parchment for you. We’ll bring the memories with us - and though this may be our last year, we still are amalgamated. Chanting…
"We, we love, we love ms., we love ms. Cua – mag Cua, Cua, Cua, Cua tayo! Wahoo!"
-- im gonna miss this soo much..
-- http://www.dareyoutodream.blogspot.com
(A place where you can rest your mind and chill... c;)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home